Mag-asawang Marian at Dingdong Nakibahagi sa #ImmunityForAllKids” ng Ceelin at Caritas


Ang pagbibigay prayoridad sa kalusugan ay tinuturing ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na isa sa kanilang pinakamahalagang tungkulin sa kanilang tahanan, lalo na nang mabiyayaan sila ng dalawang anak na sila Zia at Sixto.

Ito ay nagpapakita na talagang sineseryoso ng Kapuso Primetime King at Queen ang kanilang ginaganap na papel sa tunay na buhay—ang maging mabuting magulang.

“Ang pagiging magulang ay hindi biro, andami naming natutunan. I think during this pandemic, bottom line is kalusugan ang pinaka-kailangan natin. We want to do so many things. Our kids want to do so many things. But the fact is that marami pang darating na mga hadlang like viruses and the only way to fight them is to have a strong immunity,” ani Dingdong.

Ang debosyon ni Marian

“Marian especially needs a strong mindset because she’s a very hands-on mom. Tandem kami. S’ya maghahanda, ako maghahatid at ako magsusundo. Mahalaga na dun pa lang sa prep stuff, kumbaga napapatibay at napapalakas na namin sila so that when they go to school, especially now it’s face-to-face, there’s a certain level of protection when they want to get into sports para alam natin na kayang-kaya ng katawan nila,” sabi ni Dingdong, ang host ng Family Feud Philippines na may pinakamataas na ratings sa mga game show sa bansa.

Para palakasin ang immunity at panatilihing masigla sila Zia at Sixto, naging bahagi na ng kanilang buhay ang Ceelin Plus, isa sa mga produkto ng Unilab, ang nangungunang pharmaceutical at healthcare company sa Pilipinas. Mayroon itong Ascorbic Acid + Zinc na nagbibigay ng dobleng proteksyon kasama ang matatag na ZincPlus® Technology na nakakatulong na magbigay ng fully loaded immunity, kasabay ng tamang pagkain at healthy lifestyle.

Nakakatuwa rin na kagaya ng ibang happily married couples, madaling nasusundan at nasusuportahan ni Marian ang mga pahayag ng kanyang asawa: “Sa bahay gkasi nag-eendorso kami ng isang produkto palagi na kailangan na ginagamit ko at sure ball ako na gagamitin ko s’ya. Ayoko ‘sya i-endorse just for the sake of the money or because of may endorsement ako, no. Bakit namin kinuha ang Ceelin at patuloy na nakikipag partner dito? Kasi sa bahay, ang mga bata Ceelin talaga iniinom nila since Day 1. It’s very easy for us na i-feed sa kanila ang Ceelin kasi kilala na nila, alam na nila at kabisado na nila at iniinom talaga nila.‘Yun ‘yung mahalaga sa akin.”

PangakongProteksyon #ImmunityForAllKids

Sinabi rin ni Marian, dating gumanap bilang Darna, na: “Nakikita namin ang benepisyo ng Ceelin, especially now nag-fi-face-to-face classes na ‘yung mga anak namin. Sorry for the term talaga, for being a mom is being paranoid and OA talaga. Hangga’t kaya mong ibigay at siguraduhin na secure ang kalusugan nila, lahat ng pwede mong ibigay, ibibigay mo talaga. So nandyan ang Ceelin Plus para sa amin.”

Katatapos lang ng trabaho ng mag-asawa sa kanilang GMA sitcom, ang ‘Jose & Maria’s Bonggang Villa’. Noong Mayo, inilabas din nila ang kanilang dokumentaryo, ‘MISS U: A Journey to The Promised Land’. Idinirek ni Dingdong si Marian habang siya ay nasa Israel bilang judge sa ika-70 Miss Universe at kung saan nakausap niya ang mga overseas Filipina workers na mga katulad niyang nanay. Bukod sa Family Feud, si Dingdong ay nagho-host din ng ‘Amazing Earth’ habang si Marian ay nagho-host naman para sa ‘Tadhana’.

Sa kanilang pinagsamang star power, nagbigay ng suporta sina Marian at Dingdong para matulungan ang mga biktima ng bagyo sa lumipas na mga taon at minsang sumama rin sa PETA sa kanilang kampanya para palayain ang elepanteng si Mali mula sa Manila Zoo. Itinatag rin ni Dingdong ang ‘Yes Pinoy Foundation’ habang si Marian ay isang “dedicated woman advocate of breastfeeding and women with special needs”; at matatag na sumusuporta sa ‘Smile Train’, isang internasyonal na charity para sa mga kabataan na may ispesyal na pangangailangan na kayang masolusyonan: cleft lip at palate o bingot.

Bilang ‘overprotective parents’, mayroon na sila ngayong bagong layunin na malapit sa kanilang mga puso.

“Araw-araw, walang mintis, binibigyan namin si Zia at Sixto ng Ceelin Plus para siguradong ligtas sila sa banta ng mga sakit. Ngunit hindi lahat ng bata ay nakakakuha ng proteksyong tulad nito,” sabi ng mag-asawa. “Kaya naman, natutuwa kaming maibahagi sa inyong lahat ang #PangakongProteksyon #ImmunityForAllKids ng Ceelin, kasama ng Caritas Philippines!”

Ang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng Ceelin at Caritas Philippines, ang humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), sa ilalim ng direksyon at pangangasiwa ng Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace (ECSA-JP).

Tinatayang 100,000 na mga bata mula sa malalayong lugar o tinatawag na geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA) na kulang sa nutrisyon ang nabigyan ng bitamina mula nang magsimula ang proyekto noong Marso 2022, na tumutulong sa kanila na palakasin ang kanilang resistensya sa sakit lalo na’t ang mundo ay nasa gitna pa rin ng pandemya.

“Lahat ng mga bata ay may karapatang maging protektado at magkaroon ng magandang kalusugan at maging malakas ang resistensya laban sa sakit. Good health is a basic human right, but access to it is limited,” ani Dingdong at Marian.

Para maibsan ang problemang ito, namahagi ang mag-asawa ng Ceelin vitamins sa mga batang nasa pangangalaga ng Caritas Philippines noong Setyembre 13 na ginanap sa Obispado de Cubao, Quezon City, sa harap mismo ng Immaculate Conception Cathedral kung saan sila ikinasal noong 2014. Dumalo rin sina Bishop. Jose Colin M. Bagaforo, ang Pambansang Direktor ng Caritas Philippines, Fr. Ronnie Santos, Direktor ng Caritas Cubao at mga madre mula sa Kidapawan City, Cotabato.

Sinabi ni Fr. Antonio “Tony” Labiao, Executive Secretary ng Caritas na: “Ito ay nagbibigay ng napakagandang pagkakataon para palawakin ang ating mga legacy programs. Salamat sa Unilab, at sa Ceelin, na walang sawang tumutulong sa Caritas Philippines, lalo na sa mga komunidad na palaging naaapektuhan ng mga bagyo.”

No Child Left Behind’

Nangako ang proyektong “No Child Left Behind” na walang maiiwanang bata habang ito ang programa ay ginaganap sa buong bansa, mula sa matataas na lugar ng Bontoc sa Mountain Province hanggang sa mga liblib na isla sa paligid ng Tawi-Tawi, lahat ng may humigit-kumulang 1.2 milyon na bata ay nakikinabang ngayong taon.

“Nawa’y simula lamang ito ng isang tunay na pakikipagtulungan upang mabuo ang ating mga komunidad,” sabi ni Bishop Bagaforo. “Dalangin naming ipagpapatuloy ng Ceelin ang kanilang proyekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa, katuwang pa rin ang Caritas at ang mag-asawang Marian at Dingdong.”

Si Dingdong ay mayroong 3.7 million followers habang si Marian ay may 12.4 million followers sa Instagram. Sa Facebook naman, may 3.8 million followers si Dingdong habang 27 million naman si Marian. Sa kanilang mabigat na impluwensya sa social media at ang kanilang status bilang power couple, maingat sila sa kung anong mga adbokasiya ang susuportahan sa kanilang mga social media.

“We recognize that all this is a gift, biyaya, na ibinibigay sa amin. Part of our responsibility is to really take care of these gifts at nagkaroon kami ng plataporma para magsulong ng iba pang bagay. So I think tama lang na gamitin natin sa wastong paraan ang mga ganitong bagay. Although pwede din namang hindi, pero kami, we choose to do that,” ani Dingdong. “That’s why we [support] advocacies na talagang malapit sa puso natin. ‘Yun talaga ‘yung totoo eh, mahirap kasi na gumawa ka ng isang bagay na taliwas sa paniniwala mo. Kaya para sa amin, parang second nature na rin ito. It doesn’t feel like work at all because for us this is a way of life already. Ito ay isang misyon. Kinikilala namin na ito ay bigay ng Diyos.”

Sinuportahan ni Marian ang sinabi ng kanyang asawa: “Si Dong palagi niya akong nire-remind na isa kami sa mga nabiyayaan na magkaroon ng ganitong klaseng trabaho at mahalin ng mga tao ng ganito. In return sa mga taong nagmamahal sa amin, nire-remind niya ako na gamitin natin sa tama at wasto itong biyaya na binigay sa atin na makatulong tayo sa ibang tao. Sinasabi niya, ang dami mong followers so use it para makatulong ka sa ibang tao. Minsan kasi pag nanay ka na, ang dami mo ring ginagawa. Minsan di mo na alam kung san ka pupunta. Si Dong na lang nagsasabi–focus kung anong gusto mo. Focus on ano talaga nasa puso mo. Ayaw namin gumawa ng plataporma na hindi namin pinaniniwalaan at wala din ‘yung puso namin. So sa bawat post namin at ginagawa namin, gusto namin na nagre-reflect ‘yun sa amin at nakikita ‘yun ng mga taong nagmamahal sa amin. Mahal namin kayo. Mahal namin kung anong binigay n’yo sa amin, so let’s help each other.”

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s